-- Advertisements --
Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga mamamayan na huwag maging madamot sa mga dumanas ng hindi maganda ngayong Pasko.
Sa kaniyang mensahe ngayong Pasko, sinabi nito na kahit may nararanasang COVID-19 pandemic at ang pananalasa ng bagyong Odette ay dapat mangibabaw pa rin ang diwa ng Pasko.
Dito ay maipapakita na hindi nag-iisa ang mga taong dumaranas ng hindi maganda na mayroon silang kasama.
Patuloy din aniya nitong hinikayat ang mga mamamayan na tulungan ang mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng Pasko.