-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 27 11 59 42
Robredo

KORONADAL CITY- Binisita ni Vice President Leni Robredo ang ilang mga bayan sa probinsya ng South Cotabato nitong Miyerkules.

Napag-alaman na dinaluhan ng ikalawang presidente ang iba’t-ibang mga aktibidad kung saan ayon kay Lake Sebu South Cotabato Mayor Floro Gandam, unang pinuntahan ni Robredo ang Brgy. Klobi ng nasabing bayan upang bisitahin ang mga kababaihang gumagawa ng T’nalak cloth.

Napag-alaman na ang T’nalak cloth ay binansagang world class na tela dahil hinahabi ito base sa mga napanaginipang pattern ng National Artist na si Be Lang Dulay kung saan ipinasa nito ang kaniyang abilidad sa mga kababaihan mula sa T’boli tribe at sila ay binansagang mga Dreamweavers.

Kaugnay nito gustong ipromote ng bise presidente ang mga produktong gawa sa indigenous materials ng mga lumad partikular na ang grupo ng mga kababaihang maghahabi ng T’nalak cloth.

Samantala tinungo din nito ang bayan ng Tampakan at Polomolok, South Cotabato para sa turnover ceremony ng ilang paaralan kung saan dito sinagot din ni Robredo ang katungan kung plano nitong tumakbo sa pagka presidente sa taong 2022 kung saan ayon kay Robredo wala pa siyang plano at marami pang pwedeng mangyari sa loob ng ilang taon.