-- Advertisements --

Kabilang si Vice President Leni Robredo sa anim na nominado ng 1 Sambayan opposition coalition para maging pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Sinabi ni dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario, miyembro ng grupo, na ilan sa mga nominado nila ay si dating senador Antonio Trillanes IV, Sen. Grace Poe, Cibac party-list Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, Batangas Sixth Dist. Rep. Vilma Santos-Recto at si Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno.

Ayon naman sa isang miyembro ng grupo na si Bro. Armin Luistro na nagkaroon ng konsultasyon ang grupo tungkol sa mga nominado at lahat sila ay sumailalim sa selection process.

Ilan sa mga ikinonsidera nila ay ang ugali, track record at ang katayuan nito sa iba’t-ibang isyu gaya ng paglaban ng gobyero sa COVID-19 pandemic, tension sa West Philippine Sea at iba pa.