-- Advertisements --
Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers.
Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas.
Maraming mga paraan aniya na maresolba ang isang problema kahit na hindi idaan sa pagdadala ng mga armas.
Magugunitang ipinakula ni Pangulong Duterte ang pag-armas ng mga sibilyan bilang tulong na rin sa mga kapulisan.