-- Advertisements --

Nag-abiso ngayon ang kampo ni Vice President Leni Robredo na merong itong isasagawang mahalagang anunsiyo sa darating na Huwebes dakong alas-11:00 ng umaga.

vp leni robredo podium

Ayon sa press advisory ng OVP office gagawin ang anunsiyo ng pangalawang pangulo sa Quezon City Reception House.

Kaugnay nito, umugong tuloy ang mga usap-usapan na baka ito na ang gagawing pagkumpirma ni Robredo na tatakbo siya sa pagkapangulo ng bansa sa 2022 elections.

Lalo na at inilabas ang abiso niya ilang oras matapos na mag-anunsiyo rin si dating Sen. Bongbong Marcos na kakandidato siya sa pagka-presidente.

Kung maalala naging mainit ang bangayan ng magkabilang panig nang magprotesta si Marcos sa resulta ng botohan na umabot pa sa korte pero natalo din naman sa huli ni Robredo.