MANILA – Nakapagpa-rehistro na para sa Philippine Identification System (PhilSys) si Vice President Leni Robredo.
Matapos pumila sa Magarao, Camarines Sur, nakapag-register na sa Step 2 registration si Vice President Leni Robredo…
Posted by Philippine Statistics Authority on Tuesday, May 4, 2021
Ito ang inamin ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos magpa-rehistro ni Robredo sa Maragao, Camarines Sur noong Lunes, May 3.
“It is one of the select municipalities in the 32 priority provinces for PhilSys registration,” paliwanag ng PSA.
Batay sa report n PSA Provincial Statistics Office sa Camarines Sur, nakumpleto na ni VP Leni ang Step 2 Registration.
Sa ilalim nito, kinukuha ang biometric data ng isang registrant tulad ng fingerprint, iris scans, at front-facing photogpaph o ID picture.
“Step 2 Registration began in January 2021 and continues to roll out on a gradual, small-scale basis in the priority provinces.”
As of April 30, 2021, mayroon nang 6,378,695 na kabuuang bilang ng mga nagpa-rehistro sa PhilSys at nakatapos ng Step 2 Registration.
“These individuals underwent the assisted Step 1 Registration or the house-to-house collection of demographic data, and setting of appointment for Step 2.”
“Meanwhile, the PhilSys portal for pilot online Step 1 Registration was launched last 30 April 2021. The setting of appointment for Step 2 Registration will be available soon through the PhilSys portal.”
Ang final step sa registration ng PhilSys ay ang issuance o pagbibigay ng PhilSys Number (PSN) at Philippine Identification (PhilID) card.
“The PSN is a randomly generated number and will serve as a permanent identification number for every registrant used for digital transactions. PSA partnered with PHLPost for the delivery of the PSN and PhilID to successful registrants,” paliwanag ng ahensya.
Noong March 4 nang matanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang PhilID, higit isang buwan mula nang siya ang magpa-rehistro noong Enero.