-- Advertisements --

Nakiramay si Vice President Leni Robredo sa pamilya ng mga nasawi sa nangyaring magnitude 6.1 na lindol kahapon.

Sa isang statement, sinabi ni Robredo na ang “trahedyang ito ay paalala sa bawat isa sa atin na ang panganib ay maaring bigla ang pagdating, at dapat tayo’y laging handa.”

Kaugnay nito, nanawagan si Robredo sa publiko na manatiling alerto at mapagmasid.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pampanga Gov. Lilia Pineda na 10 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na pagyanig.

Maraming mga imprastraktra rin aniya ang gumuho, kabilang na ang apat na palapag na grocery.