-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 05 10 12 18
VP Robredo

Maging si Vice President Leni Robredo ay nakisama sa panawagan sa mamamayan para suportahan ang Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup.

Ayon sa pangalawang pangulo, hindi dapat ipagsawalang bahala ang ginagawang pagsisikap ng national team para mangibabaw sa international tournaments.

Ang pagbibigay ng suporta ng mga Pilipino ay magbibigay daw ng lakas ng loob sa mga manlalaro natin.

Nauna rito kinantiyawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Gilas na wala silang panalo sa FIBA World Cup dahil sa matitinding mga koponan makakaharap nila.