-- Advertisements --
Hiniling ni Vice President Leni Robredo sa mga private company na kung maaari ay tumulong sa mga mamamayan na nais magparehistro sa Commission on Election.
Sinabi nito na maraming mga kabataan ngayon na nasa hustong edad na para bumuto ang hindi pa nakakapagrehistro sa COMELEC para sanayan ang kanilang karapatan na bumuto.
Hindi dapat ito ipagwalang bahala ng mga kabataan dahil sa nagsisimula na ang halalan sa bansa.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakapagdesisyon si Robredo kung anong posisyon ang kaniyang napupusuan sa 2022 elections.