ILOILO CITY- Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang paglunsad ng Angat Buhay program at Feeding program sa mga malnourished na kabataan sa Concepcion, Iloilo.
Kasama ni Robredo sina Senador Franklin Drilon at Mayor Raul Banias ng Concepcion, Iloilo.
Ang Angat Buhay ay ang ‘flagship anti-poverty’ program ni Robredo kaugnay sa programa ng pamahalaan na Conditional Cash Transfer (CCT).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Banias, sinabi nito na hiniling niya sa Office of the Vice President na maging recipient ang bayan ng Concepcion ng Angat Buhay program at Feeding program dahil sa mga malnourished na kabataan mula pagka-panganak hanggang 4 na taon.
Ang paglunsad ng programa ay sinundan naman ng daily feeding program na gagawin sa loob ng anim na buwan.