ILOILO CITY-Binisita ni Vice President Leni Robredo ang ilang bayan sa lalawigan ng Iloilo upang matingnan ang ilang mga community-based projects at mga learning hubs.
Ang Office of the Vice president ay ang responsable sa pagbibigay ng computers, printers, WiFi boosters, at school supplies para sa nasabing mga hubs.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Vice President Robredo, sinabi nito na ilan sa pinuntahan niya ay ang Community Learning Hub (CLH) sa Brgy. Bagacay, Tigbauan, Iloilo na tumutulong sa mahigit 200 mag-aaral para sa distance learning.
Pinuri din ng pangalawang pangulo ang resulta ng pinondohang proyekto sa ilalim ng Bridging leadership Program sa bayan ng Anilao, Iloilo.
Ngayong araw, inaasahan na maglilibot pa ang opisyal sa ibang bayan bago ito bumalik ng Maynila.