Pinalagan ni Vice President Leni Robredo sa lumabas na mga fake news tungkol umano sa pagkaka-aresto ng anak nitong si Aika habang nasa US.
Sinabi ng bise presidente na gumagawa ng kaniyang katunggali sa pulitika ang lahat para siraan siya.
Inihalimbawa nito ay noong 2017 ng kumuha ng Masters in Public Administration ang anak sa Harvard Kennedy School ay sumulat ang katunggali ni Robredo sa pulitika na kanselahan ang pagtanggap kay Aika dahil sa ninakaw umano sa gobyerno ang pinambayad nito.
Iginiit ni Robredo na kaya siya tinanggap sa nasabing unibersidad ay dahil sa kaniyang credentials at hindi dahil anak ito ng bise presidente ng Pilpinas.
Maging ang fake news na lumabas na inaresto ang anak ay sinabi ng pangalawang pangulo na hindi matatawaran ang sipag ng anak sa pag-aaral at hindi sila sangkot sa anumang iligal na gawain.