-- Advertisements --

Muling inulit ni Vice President Leni Robredo na nananatiling bukas itong tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Sinabi nito maaaring sa tamang panahon ay kaniyang iaanunsiyo ang tunay na pasya nito.

Kaniya ring pinag-iisipan kung ito ay tatakbo sa pagka-gobernador ng Camarines Sur sa 2022 local and national elections.

Sa ngayon aniya ay isang haka-haka lamang ang mga lumabas na usapin na ito ay tatakbo sa nasabing mga posisyon dahil wala pa itong inilalabas na desisyon.

Tiniyak nito na kaniyang ipapaalam sa lahat ang anumang desisyon nito.