MANILA – Wala pang naramdaman na side effect si Vice President Leni Robredo matapos makatanggap ng bakuna laban sa coronavirus (COVID-19).
Ito ang inamin ng opisyal kasunod ng pagtanggap niya ng unang dose ng AstraZeneca vaccine noong Miyerkules.
“It’s been 24 hours since I received my first dose… until now, no fever or chills, no headache, no body malaise, no soreness in my arm. Thank God,” ani Robredo sa kanyang online post.
Ayon sa bise presidente, dumalo pa siya sa isang speaking event matapos makatanggap ng bakuna noong May 12.
Karamihan sa mga naitalang side effect sa bakuna ng AstraZeneca ay lagnat at trangkaso, kaya naman agad daw naghanda si Robredo.
“I went to my room earlier than usual and made sure everything was within arm’s reach just in case – medicines, sweater, socks, extra blanket, 2 jugs of water. I was expecting the chills and body pains to come anytime, but none came.”
Sinubukan din daw niyang magpakonsulta, pero mabuti ang kanyang lagay hanggang sumunod na araw.
Gayunpaman, pinayuhan umano siya ng kanyang mga anak na manatili muna sa bahay para ma-obserbahan pa ang epekto ng bakuna.
“I felt I was ready to go to the office to work today but my daughters told me to stay at home even just for the day because my immune system is supposed to be down after the vaccination.”
Bukod kay VP Leni, may ilang staff din ng Office of the Vice President ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Lahat daw sila ay nakaramdam ng lagnat, pananakit ng katawan, at sipon.
“So I guess, the side effects being experienced vary from person to person.”
Una nang nanawagan si Robredo sa publiko na magpabakuna na rin bilang proteksyon laban sa COVID-19.