Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.
Sa kaniyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP), tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
“Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” wika ni VP Leni.
Una nang inindorso ng 1Sambayan si Robredo, ngunit hindi niya agad tinanggap dahil sa ilang konsiderasyon.
“Ibubuhos ko ang buong buo kong lakas. Hindi pwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin nagbago na ang mundo. Kailangang piliin nating humakbang. Heto ako ngayon humahakbang,” dagdag pa ni Robredo.
Inaasahang ngayong araw ihahain ng bise presidente ang kaniyang certificate of candidacy (CoC) sa Sofitel, Pasay City.