Posibleng maharap sa kasong plunder si Vice President Sara Duterte.
Ito’y matapos mabunyag sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ang mga seryosong irregularities lalo na sa maling paggasta ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education nuong si VP Sara pa ang kalihim.
Ayon kay Antipolo Rep. Romeo Acop, sa huling pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw hinggil sa confidential funds nabunyag ang mga kwestiyunableng disbursement.
Binigyang-diin ni Acop ang kakulangan sa transparency at sa paggasta ng pampublikong pondo na hindi naaayon sa batas.
Giit pa ni Acop batay sa imbestigasyon ng Komite ang alokasyon ng confidential funds sa OVP at DepEd ay ginamit sa paraang may paglabag sa COA-DBM Joint Circular No 2015-01.
Sabi ni Acop na tila sinasadya na nililito, nililigaw at pinapagulo ang narrative ng kampo ni VP Sara ng sa gayon malihis ang atensiyion kung saan nga ba napunta ang inilaang confidential funds ng OVP at DepEd.
Giit ni Acop dahil sa masusi at pursigidong pagtatanong at sa paghahanap ng mga facts at ebidensya, ay nabunyag ang katiwalian.
Posibleng mahaharap din sa plunder, technical malversation, falsification of public documents at bribery ang mga trusted aid ni VP Sara Duterte.
Nagbabala ang mga mambabatas na posibleng makulong ng anim na taon hanggang 12 taon kung mapatunayang guilty ang mga ito sa krimen.
Sabi ni Bongalon kapag hinanap sa yo kung nasaan ang pondo at wala kang masagot paniniwala ng batas ay binulsa ito.
Batay sa imbestigasyon ang mga special disbursing officers na sina GIna Acosta ng OVP at Edward Fajarda ng Deped hinawakan ang confidential funds ng walang malinaw na documentation.
Ayon naman kay Luistro, habang isinasagawa ang pagdinig in aid of legislation, hindi pwedeng balewalain ng mga mambabatas ang paglabag sa batas.
Sabi ni Luistro maaring ma commit ang perjury sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat ang lahat ng pagsisinungaling habang naka oath maituturing na perjury.
Sinabi ng Lady solon na ang mga opisyal na sangkot ay maaaring maharap sa kasong plunder.
Sa panig naman ni Rep. Pimentel ang falsification ay tulad ng mga resource speakers na naimbita at tinake advantage ang kanilang posisyon at falsified documents.