-- Advertisements --
image 319

Inanunsyo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na bibisita siya sa Singapore at Brunei Darussalam sa Hunyo bilang bahagi ng kanyang mandato bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization.

Sa ginanap na Partners Convergence ng Department of Education (DepEd) sa National Museum of Natural History, nagpahayag si Duterte na umaasa siyang patuloy na makikipagtulongan ang ibang bansa para isulong ang kalidad na edukasyon para sa lahat.

Sinabi niya na ang kanyang paglalakbay sa Singapore at Brunei ay bahagi ng kanyang panunungkulan bilang Council President ng Southeast Asian Ministers of Education Organization, isang regional intergovernmental organization sa mga bansa sa Southeast Asia na naglalayong isulong ang regional cooperation sa edukasyon, agham, at kultura.

Aniya pa, sana raw ay matuto ang Pilipinas mula sa dalawang pinakamuhusay na bansa sa larangan ng edukasyon at sa iba pang mga bansa na miyembro ng SEAMO o Southeast Asian Ministers of Education Organization