-- Advertisements --

Binatikos ni VP Sara Duterte ang aniya’y labis na police force na ginagamit para bantayan si Atty Zuleika Lopez habang siya ay nasa St. Luke’s Hospital.

Sa panayam kay VP Sara sa labas ng ospital, pinuna nito ang presensya ng mga pulis na naka-full battle gear na nasa palibot ng ospital.

Napansin din ng pangalawang pangulo ang presensya ng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics(SWAT) na nakadeploy sa ospital.

Ayon kay Duterte, hindi naman tatakas si Lopez mula sa ospital at hindi rin naman ito isang gangster o drug lord para bantayan ng napakaraming mga pulis.

Iginiit din ni Duterte na hindi pugante si Lopez para gamitan ng labis na security forces.

Giit pa ni VP Sara, wala siyang paki-alam kung mamatay man ang sinumang nag-utos sa kasalukuyang nangyayari sa kaniyang mga kasamahan at sa OVP.