Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte na ngayong Pride Month mahalaga na dapat magtulungan ang mga Pilipino para makalikha ng kapaligiran na ligtas sa bawat kabataan, at buong pusong kinikilala sa pagsalubong sa pagdiriwang ng Pride Month ng LGBTQIA+.
Ang Pride Month ay naglilingkod bilang paalala na mas lamang ang pag-ibig laban sa galit, diskriminasyon sa isang sektor na noon ay hinuhusgahan, inaapi, ayon kay Duterte.
Dagdag pa niya, ito ay isang tagumpay para sa lahat, isang mundo kung saan lahat ay pinahahalagahan, tinatanggap, at empowered.
Una nang iniulat na ayon sa organizer nasa 200,000 indibidwal ang dumalo sa Pride PH Festival 2024 sa Quezon City noong Sabado.
Tuwing Hunyo ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng mundo ang Pride Month bilang pagkilala sa 1969 Stonewall Uprising sa Manhattan, na nagtulak sa Gay Liberation Movement sa Estados Unidos.