Bumwelta si Vice President Sara Duterte kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel matapos ilahad ng mambabatas kung paano ginastos ng Department of Education ang confidential funds nuong panahon ng pangalawang Pangulo.
Batay sa presentasyon ni Manuel ipinakita nito ang mga paraan na isinasagawa ng DepEd.
Sinabi ni Manuel na ang paggamit ng Deped ng confidential funds ay galing sa ibat ibang units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang kanilang mga aktibidad ay mga youth leadership summits at mga information education campaigns.
Sumagot si VP Sara at inihayag na may kaugnayan sa CPP NPA ang makabayan bloc lawmaker.
Tinanong din ni Manuel kung nakapag sumite ba ng accomplishment report para sa 2023 confidential funds ang DepEd sa Senado at sa Office of the speaker.
Subalit hindi ito sinagot ng pangalawang pangulo.
Binigyang diin ni Manuel na hindi dapat iwasan ni VP Sara ang mga nasabing tanong dahil sa panahon niya nagkaroon ng confidential at intelligence funds ang OVP at DepEd na nuon ay wala.
Binigyang-diin ni VP Sara na ang pagdalo niya sa budget briefing ay para ipresenta ang kanilang national budget para sa susunod na taon.