Dadalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Commitee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) sa Biyernes, Nobiyembre 29.
Ito ay para magpakita ng kaniyang suporta sa mga executive at personnel ng OVP na haharap sa pagdinig bilang resource persons.
Ipinaliwanag ng Ikalawang Pangulo na kailangan niyang pumunta para tulungan ang iba pang OVP personnel. Sinabi kasi aniya ng mga ito na pakiramdam nila mas ligtas at mas komportable sila kapag kasama nila siya.
Samantala, itinanggi naman ng Bise Presidente ang mga alegasyon na hindi niya maiwanan ang mga opisyal at staff dahil posibleng may masabi ang mga ito na ‘incriminating’.
Hindi naman direktang sinabi ni VP Sara kung sasagutin niya sa darating na pagdinig ang mga kinukwestiyong liquidation documents kaugnay sa paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd. Aniya, naisumite na nila ang kanilang tugon dito sa Commission on Audit at dadalo din aniya ang mga relevant resource persons sa pagdinig para sagutin ang mga katanungan.