Dapat umanong magbitiw na si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) na walang ginagawa laban sa mga atake ng kanyang pamilya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi nagsasalita laban sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Chua na walang ginawa si VP Sara nang paulanan ng atake ng kanyang pamilya ang Pangulo at patuloy pa rin itong nakikinabang bilang miyembro ng opisyal na pamilya ng Pangulo.
Ayon sa Kongresista bilang pagiging isang disente magbitiw na lamang ito bilang kalihim ng DepEd.
Hindi rin bilib si Chua sa mga ginagawa ni VP Sara sa DepEd.
“The so-called Catch-Up Fridays at DepEd schools have been a waste of time with no real results to show,” saad nito.
Sinabi ni Rep. Chua, “Learning deficits from the pandemic are worsened by the continuing resort to modules and online classes which were ineffective during the pandemic and are still ineffective now.”
Dagdag pa ng Kongresista na tila “fence sitter” ang pangalawang pangulo dahil ang kanyang pamilya at ang kanilang mga kaalyado ay hinahamon ang awtoridad at mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr habang walang gaanong maipakita ng isang makabuluhang resulta sa Kagawaran ng Edukasyon.