-- Advertisements --
Dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ngayong araw si Vice President Sara Duterte kung saan nagpapatuloy ang pag imbestiga sa P612 million confidential funds.
Nanumpa naman si VP Sara bago siya payagan magsalita sa pagdinig.
Naging mainit ang palitan ng mga pahayag lalo at tinatanong din ni VP Sara ang umano’y due process sa pagkulong sa kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Kinukwestiyon ni VP Sara ang pagpataw ng dagdag na limang araw na detention kay Lopez.
Si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang nag mosyon na i-extend ang pagkulong kay Lopez dahil hindi ito nakadalo sa pagdinig.