-- Advertisements --

BUTUAN CITY – All-set na ang seguridad para sa pagbisita ni Vice President Sara Duterte sa rehiyon simula ngayong araw, Hunyo a-25 hanggang bukas, Miyerkules, Hunyo a-26.

Ayon kay Police Major Jennifer Ometer, tagapagsalita ng Police Regional Office-13, nagsagawa na sila ng coordination meeting kahapon para sa security preparation na ibibigay sa besi-presidente mula sa pagpasok nito dito sa Caraga Region hanggang sa mga lugar na kanyang pupuntahan.

Dagdag pa Major Ometer, ang pgbisita ni VP Sara sa rehiyon ay may kaugnayan sa kanyang posisyon bilang kalihim pa rin ng Department of Education dahil sa Hulyo a-19 pa ng effectivity ng kanyang resignation.

Pangungunahan nito ang paglunsad ng Go Negosyo Youthpreneur at bibisitahin din nito ang Sta. Cruz Elementary School sa Barangay Manila De Bugabos nitong lungsod ng Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte at ang Salvacion Central Elementary School sa Barangay Salvacion, Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur.