DAVAO CITY – Binisita ni Vice President Sara Duterte ang isa sa mga barangay na naapektuhan ng malawakang pagbaha dito sa lungsod ng Dabaw.
Kinausap din ng bise presidente si Kapitan Isidro Dujali ng Barangay Bago Aplaya para sa mga posibling tulong na mapaabot ng OVP para sa mga apektadong residente.
Kabilang ang Barangay Bago Aplaya sa sampung mga barangays ang pinaka apektado sa pagbaha noong nakaraang araw hatid ng masamang panahon o ITCZ.
Base sa datos na inilabas ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), 5,803 ang kabuuang bilang ng mga pamilya o mahigit walong libong mga indibiduwal ang apektado ng naturang pagbaha.
Kung saan 476 pamilya o 722 na mga indibiduwals nito ay mga residente ng Bago Aplaya.
Samantala, halos sampung mga sasakyan naman at limang motorsiklo ang inanod ng pagbaha at nakatambak sa isang creek sa Block 7 Samantha Homes Subd., Brgy. Bago Gallera, Davao City.
Inihayag ni Arlene Decinille, residente ng Samantha Homes Subdivision na “totally wash-out” ang lahat nilang kabuhayan gaya ng mini grocery, 4 na motor at dalawang mga multicab.
Muntik rin umanong matangay ng baha ang kanyang dalawang mga anak.