Iginiit ni Vice President Sara Duterte na nakahanda ito sakaling pagkalooban ng zero budget ang Office of the Vice President sa susunod na taon.
Ginawa ng pangalawang pangulo ang naturang pahayag sa pamamagitan ng video message at sinabing handa siyang magtrabaho kahit walang pondo ang kanyang opisina.
Ayon kay Duterte, ito ay bahagi lamang ng umano’y coordinated na pag-atake laban sa kanyang ng mga mambabatas.
Aniya, maliit lamang ang kanilang operations cost kayat makakakilos sila kahit walang budget para maghatid ng tulong sa publiko.
Pinangalanan rin nito si Speaker Martin Romualdez at Rep. Elizaldy Co na siyang may hawak umano ng budget para sa buong bansa.
Bagay na itinanggi naman ng dalawang mambabatas.
Kung maaalala, hindi dumalo si VP Sara sa isinagawang ikalawang budget briefing ng OVP matapos na putaktihin ng mga tanong ng mga mambabatas noong unang budget briefing.
Giit ng bise, walang dahilan para tanungin pa siya hinggil sa intelligence fund dahil wala namang nakalaan na budget para sa dito para sa 2024 at 2025.