Bumisita sa Guimaras at Iloilo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
Kasama nito si House Deputy Speaker at Pampanga Representive Gloria Macapacal-Arroyo.
Kasabay ng pagdating nito sa Guimaras, pinasalamatan nito ang mga residente na sumuporta sa kanya at kay President Ferdinand Bongbong Marcos sa May 2022 elections.
Si Duterte ang panauhing pandangal sa One Guimaras: Convergence for Sustainable Agri-Fishery and Eco-Tourism Development sa Provincial Covered Gym, San Miguel, Jordan, Guimaras.
Nanguna rin ang bise-presidente sa pamimigay nga educational materials sa mga mag-aaral.
Binisita rin nito ang Public Library sa Iloilo at may isinagawang story telling kasama ang 30 mga kabataan.
Pinasalamatan nito ang Iloilo city government at librarians sa imbitasyon at nagpahayag rin ng open invitation sa taga-City Library na magbisita sa library sa Davao City.