-- Advertisements --

Mas nais na isulong ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte Carpio ang pagbabasa ng mga kabataan ng physical na libro.

Ito ang laman ng kaniyang mensahe sa pagdalo niya sa National Annual Congress ng Philippine Librarians Association kung saan binigyang halaga ng pangalawang pangulo ang pagbabasa ng libro lalo na ngayon ay laganap ang makabagong teknolohiya.

Pinuri nito ang mga librarian dahil kabilang sila sa mga naghuhubog sa tamang kaalaman ng mga bata.

Tiniyak din nito ang paghingi niiya ng tulong sa ilang mga negosyante para maipatayo ang silid-aklatan sa bawat bayan ng bansa.