Dumalo si Vice President Sara Duterte sa ginanap na National Women’s Month Celebration sa Quezon City Police District (QCPD) ngayong umaga.
Sa kaniyang talumpati kinilala ng Bise Presidente ang tagumpay ng QCPD na mapababa ang kaso ng Violence Against Women and their Children sa naturang lungsod.
Bumababa naman sa 59 ang naitalang VAWC Enero hanggang Marso 2023 kumpara sa 77 VAWC cases noong nakaraang taon.
Sa naturang event, sinaludohan ni VP Sara ang mga babaeng pulis ng QCPD, aniya, patunay ito na hindi nakabatay sa kasarian ang kakayahan ng ng isang tao. Umaasa aniya siya na magpapatuloy ang kampanya ng QCPD Women and Childrens Protection desk sa pagsalba sa mga kababaihan at kabataan na nalalagay sa panganib.
Ibinahagi naman ni VP Duterte na bukas siya sa pakikisama sa QCPD para sa pagpapalwak ng mga benepisyo sa programa niyang ‘magnegosyo ta day’. Ang layunin ng programang ito ay ang matulungan ang mga kababaihan at miyembro ng LGBTQ+ na makapagsimula ng livelihood projects sa pamamagitan ng Office of the Vice President.