-- Advertisements --

Itinuturing ni Vice President Sara Duterte na ginagawa lamang siyang ‘punching bag’ ng gobyerno para mapagtakpan ang mga nagaganap na anomalya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi nito na sinisira ang kaniyang pangalan para pagtakpan ang kakulangan ng gobyerno sa pamamahala.

Malinaw aniya lahat ng paninira ay ginagawa laban sa kaniya para mapagtakpan ang kapalpakan ng gobyerno

Handa rin itong magpasailalim sa anumang uri ng test sa mga pumupuna sa kaniyang pag-uugali na itinturuing umano na siya ay may ‘sayad’ at handa ito ng sumailaiim din sa mga drug test basta kasama rin ang lahat ng government officials.