Naglabas na ng pahayag si Vice Pres. Sara Duterte matapos ang pag-impeach sa kaniya ng Kamara.
Ito ay matapos bumoto ang 215 kongresistang pabor sa impeachment complaint laban sa bise presidente noong Miyerkules.
Ginawa nila ito sa huling araw mismo ng sesyon ng Kongreso.
Agad namang nai-transmit ang complaint para isalang sa impeachment trial ng Senado.
Pero posibleng sa Hunyo na ito simulan ng mataas na kapulungan, alinsunod sa pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni VP Duterte ang mga katagang “God save the Philippines.”
Iyan ay dahil malala na raw ang sitwasyon ng bansa mula sa kamay ng mga opisyal nitong umaabuso sa kapangyarihan.
Iginiit din niya na hindi siya nagbanta kay President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at kay House Speaker Martin Romualdez at ang mga miyembro ng Kamara lamang umano ang nagsasabi na nagbanta siya.