-- Advertisements --

Ayaw na ng patulan at hindi na magbibigay pa ng reaksyon si Vice President at Department of Education Sara Duterte sa naging pahayag ni First Lady Liza Marcos.

Kasunod ito unang pahayag ng unang ginang na tila nagkaroon ito ng pagkainis matapos na makita niyang tumatawa pa ang Bise Presidente noong dumalo ito sa rally na inorganisa ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng unang ginang na labis itong nasaktan matapos makita na tila tinawanan pa ng pangalawang pangulo habang nilalait ng ama nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Magugunitang una ng inamin ni Pangulong Marcos na kumplikado ang relasyon nila ngayon ng dating pangulong Duterte.