-- Advertisements --
Seryosong ikinokonsidera ni Vice President Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo pagdating ng 2028.
Isinagawa nito ang pahayag sa pulong niya sa mga oversea Filipino workers (OFW) sa Tokyo sa kaniyang “private trip”.
Sinabi nito na hindi na niya masikmura ang patuloy na pag-atras ng bansa kung saan naniniwala nito na mayroon pang lakas na maipapakita ang Pilipinas.
Magugunitang noong nakaraa ay inihayag ng bise presidente na malalaman pa sa 2026 ang tunay na plano niya sa 2028 presidential elections.