BUTUAN CITY – Matagumpay na inilunsad ni Vice President at out-going Department of Education Sec. Sara Duterte sa Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur, ang Go Negosyo: Pampaaralang Taniman ng mga Agribida”, garden-to-table school business model.
Ito ay ang programang magbibigay ng negosyo at pangkabuhayan sa mga inang walang trabaho o negosyo, habang ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa paraalan sa kanilang komunidad.
Inihayag ni VP Sara na layunin din nito na magagamit ng paaralan ang mga idle lots sa loob ng kanilang school premises nang sa gayo’y may magagamit din ang mga ina na pambili ng pagkain sa kanilang kabataan at matugunan na ang problema ng kagutuman at pagkabansot ng iilang mga bata dahil sa kawalan ng income ng mga magulang lalo na yaong mga nasa mga liblib na lugar.