Ipinag-utos na rin ni Education Secretary at VP Sara Duterte ang imbestigasyon sa kontrobersyal na pagbili ng mamahalin at outdated na laptops noong 2021 sa pamamagitan ng Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM).
Kaugnay nito, ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing, inaprubahan na aniya ni VP Sara na sumulat kay Atty. Jose Calida, Chairperson ng COA para humiling ng fraud audit mula sa COA.
Ang dahilan aniya kung bakit humiling ang ahensiya ng fraud audit ay para mabigyang linaw ang kwestnableng pag-downgrade mula sa 1.9 gigahertz sa 1.8 gigahertz na lamang gayundin kung bakit nagmahal ang presyo at specifications ng laptop.
Sa ngayon hindi pa masabi ng DepEd kung mayroon ngang anomaliya sa pagbili ng mga laptops habang inaantay pa rin ang kasagutan ng PS-DBM sa naturang alegasyon.