-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang naging kasuotan noong dumalo ito sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi nito na ang kaniyang kasuotan ay tinawag na Bangala bilang pagkilala sa tribong Moro na naninirahan sa Timog-Gitnang Mindanao.

Ginawa umano ni i Israel Ellah Ungkakay na mula sa Cotabato City na may kasamang inaul na isang local fabric na habi sa cotton at silk na isa sa kanilang kultural na kayamanan dahil lumalarawan ito sa karangalan, katapangan, pamana, at kasaysayan ng Maguindanao.

Magugunitang noong unang SONA ni Pres. Marcos ay suot nito ang damit ng mga tribung Bagobo Tagabawa.