-- Advertisements --

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kinopya lamang niya ang sinulat nitong librong pambata na “Isang Kaibigan”.

Sinabi nito na madali lamang ang sumulat ng mga maikling kuwento na ibinabase sa sariling karanasan at hindi na kailangan mangopya pa.

Layon aniya ng nasabing proyekto niya ay para magkaroon ng interes at galing sa pagbasa ng mga bata.

Dagdag pa nito na mayroon pa siyang ilalabas na isang libro tungkol naman ito sa pagtataksil ng isang kaibigan.

Reaksyon ito ng ikalawang pangulo sa alegasyon ng ‘plagiarism’ o pangongopya mula sa ibang may akda.