-- Advertisements --
Kinontra ni Vice President Sara Duterte ang suhestiyon ng Alliance of Concerned Teachers sa Department of Education na kumuha ng 30,000 public school teachers at maglaan ng P100- bilyon na pondo kada taon.
Sinabi ni Duterte bilang siya rin ang kalihim ng DepEd, na isang mapanlinlang ang pahayag na ito ng ACT.
Tila kinokontra nito ang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagresolba sa mga problema ng sektor ng edukasyon.
Ang nasabing suhestiyon aniya ay hindi makatotohanan at hindi nagpapakita ng malasakit sa mga guro.