-- Advertisements --
Matapos kumpirmahin ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa July 22, State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sinabi ng pangalawang pangulo na magmo-monitor pa rin siya sa SONA.
Bagama’t wala pa umano siyang schedule sa Lunes, tiniyak niya na andito siya sa Maynila sa naturang araw.
Ito ang unang pagkakataon na ang bise presidente na siya ring running mate ni Pangulong Marcos noong 2022 national election, ay hindi dadalo sa Chief’s executive SONA.
Samantala, dumistansya naman sa pagbibigay ng komento ang bise presidente hinggil sa 20 million budget para sa SONA.
Dagdag pa rito, nilinaw din niya na “okay” ang relasyon nila ng Pangulo.