-- Advertisements --
Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang pambobomba sa gymnasium sa Mindanao State University at hinimok ang mga sibilyan na manatiling kalmado habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.
Apat na tao ang nasawi sa pagsabog na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay kagagawan ng mga dayuhang terorista. Gayunpaman, sinabi ng Defense officials na habang mayroong foreign element sa pag-atake, hindi pa sila maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon.