-- Advertisements --
Tinawag ni Vice President Sara Duterte na isang pambubudol lamang ang pagbebenta ng Department of Agriculture ng P20 kada kilo ng bigas sa Visayas Region.
Sinabi nito na malinaw ang pakay ng nasabing administrasyon kung saan ito ay para makakuha ng boto sa mga pambato nilang kandidato.
Kung may sensiridad aniya ang nasabing programa ay dapat ito ay ibenta sa buong bansa.
Pinasaringan din ng Bise President ang National Food Authority (NFA) na baka ang ibentang bigas na P20 kada kilo ay hindi makain ng tao.