-- Advertisements --

Inamin ni Vice President Sara Duterte na minsan na niyang sinabihan si Sen. Imee Marcos na baka hukayin nito ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kapag hindi siya tinigilan ng kampo ng mga Marcos.

Kaugnay ito ng mga usaping ipinupukol sa bise presidente ng mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Wika pa ng pangalawang pangulo, isang araw ay pupuntahan niya sa Libingan ng mga Bayani ang himlayan ng dating presidente.

Balak niya umano itong kunin at itatapon sa West Philippine Sea.

“Kung ‘di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea”

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

Pagbabahagi pa ng opisyal, may mga nakabasa sa kaniyang mensahe na nasa lumang group chat umano nila, kung saan kasama si Sen. Imee.

Matatandaang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpalibing kay Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani, sa kabila ng maraming pagtutol ng ilang grupo.