-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Vice President Sara Duterte kina SMNI host Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Ito ang inilabas na pahayag ng ikalawang pangulo matapos na palayain ang dalawa sa House of Representatives.

Sa inilabas na pahayag ng bise presidente, na kahanga-hanga umano ang ipinakitang tapang at tatag ng dalwang para ipaglaban at itaguyod umano ang Saligang Batas.

Dagdag pa umano nito na ang dalawa ay simbolo umano ng isang bayan na nanindigan ng tama at nanindigan para sa tama.

Magugunitang na-cite for contempt at idinetini sa House of Representatives bago sila pinalaya nitong Martes ng gabi.