-- Advertisements --

Itinuturing ni Vice President Sara Duterte na isang karangalan ang pagkilala ng San Sebastian College-Recoletos, College of Law kung saan siya nagtapos ng abogasya.

Matatandaang sa isang testimonial dinner sa Makati City ay binigyan ng pagkilala ang pangalawang pangulo dahil sa kaniyang mga narating bilang opisyal.

Sa nasabing event, nagkaroon din ng pagkakataon ang bise presidente na ibahagi ang ilan sa hindi malilimutang pangyayari nang siya ay nag-aaral ng abogasya.

Ibinahagi rin nito ang kahalagahan ng pagiging abogado sa personal na buhay at lalo na sa trabaho.

Pinasalamatan pa niya ang San Sebastian College of Law Recoletos dahil nabigyan umano siya ng pagkakataon na makatapos at maging abogada.

Kaya naman, pinuri nito ang lahat ng Outstanding Alumni ng San Sebastian College – Recoletos, College of Law.

Nawa umano ay patuloy silang magsumikap para sa ikauunlad, hindi lamang ng mga sarili kundi para sa buong bayan.