Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang kanilang mga supporters, kasabay ng ika-80 kaarawan ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kostudiya ngayon ng International Criminal Court (ICC).
Sa kaniyang mensahe, sinabi nitong huwag kalimutang ipagdasal ang dating pangulo na mabigyan ng magadang kalusugan at mahabang buhay.
Mahalaga rin na ipagdasal ang agarang paglaya ng dating pangulo.
Narito ang kabuuan ng kaniyang mensahe:
Mga kababayan,
Aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Pilipino na sumusuporta at nagmamahal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa mga kababayan natin sa Pilipinas, The Netherlands at iba’t ibang panig ng mundo— napakalaking bagay para kay Pangulong Duterte ang pagtitipon ninyo para sa kanyang pag-uwi at kaarawan.
Maraming salamat at napapagaan nito ang mga hamon na hinaharap niya ngayon.
Alam din ni Pangulong Duterte na haharapin niya ang ICC na kasama ang lahat ng mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo, lalo na ang mga kababayan natin sa Pilipinas.
Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang 80th birthday, huwag nating kalimutan na ipagdasal sa Diyos na sana ay biyayaan pa siya ng mas magandang kalusugan at mas mahabang buhay.
Hilingin din natin sa Diyos na sana ay makauwi na agad si Pangulong Duterte sa Pilipinas.
Ang ating mga pagtitipon ay nagpapatunay ng lakas, tapang, at paninindigan ng mga Pilipino.
Sana ay magpatuloy din ang inyong suporta at pagmamahal sa ating dating Pangulo hanggang sa darating na halalan ng ating mga senador.
Sa inyong kaisog, suporta ug pag-ampo kami nagasandig ug nanghinaot nga atong makab-ot ang hustiya alang kang Rodrigo Duterte, sa mga Pilipino, ug sa atong nasud nga Pilipinas.
Shukran.
*SARA Z. DUTERTE*
Vice President of the Philippines