-- Advertisements --

Umabot na sa punto na naisipan ni Vice President Sara Duterte na pugotan ng ulo si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. dahil sa pagpapahiya umano nito sa isang graduate.

Sa isang pulong balitaan sa tanggapan ng pangalawang pangulo sa Mandaluyong, ibinahagi ni Duterte ang isang pangyayari nang dumalo sila sa isang graduation rites.

Ayon kay Duterte, may isang graduate na lumapit sa pangulo para hilingin ang relo nito bilang graduation gift.

Pero nang hindi raw alam ni Marcos ang isasagot ay pinaulit pa nito sa bata ang tanong nito ng mas malakas. Iniulit naman daw ng bata ang tanong sa pangulo pero ang tanging sagot lang nito ay “why? why will I give you my watch?”

Dito umano nag init ang ulo ni VP Sara at napagtantong sobrang toxic na ng Pangulo. Aniya, inisip niyang putolan ito ng ulo at sabihing, ang graduate na ipinahiya niya ay nag-aral ng apat na taon para lang i-alay ang buhay para sa bansa at protektahan ang West Philippine Sea (WPS).

Tumanggi naman na ang bise presidente na banggitin kung anong paaralan ito.