-- Advertisements --

Nakahanda na ang legal team ni Vice President Sara Duterte para sa kaniyang impeachment trial.

Sinabi nito na bago pa man maaresto ng International Criminal Court (ICC) ang ama nito ng dating pangulong Rodrigo Duterte ay nabuo na ang kaniyang impeachment teams.

Tiwala ito na nakahanda na ang lahat ng mga legal team niya para sagutin ang impeachment laban sa kaniya.

Paliwanag niya na hindi niya basta maiwan sa the Netherland ang ama hanggang hindi nabubuo ang legal team para sa dating pangulo.

Hinihintay na lamang nila ang mga papeles mula sa mga abogado para maisapinal at maipakilala ang mga abogado sa dating pangulo.