-- Advertisements --

Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na dumating na si Vice President Sara Z. Duterte sa Pilipinas.

Lumapag ang sinasakyan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, 11 Marso 2025, bandang 3:21 PM (Philippine Standard Time), sakay ng Philippine Airlines flight no. PR 319, matapos ang isang personal travel sa Hong Kong noong nakaraang weekend.

Kasama ng pangalawang pangulo ang kaniyang mga anak.

Hinihiling ng tanggapan ng bise presidente ang pang-unawa habang inaasikaso niya ang ilang concern.

Bago ito, mas maagang dumating sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit matapos ang pag-uwi ng dating pangulo ay inisyuhan naman ito ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crime against humanity dahil sa war on drugs.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang dating pangulo.