Nakiisa si Vice President Sara Duterte-Carpio sa pagdiriwang ng mga Rizalenos sa “Higantes Festival” sa kanilang bayan na siyang tinaguriang Art Capital of the Philippines.
Ito ang unang physical celebration matapos ang dalawang taong Covid-19 restrictions.
“Isang malaking karangalan para sa akin ang maimbitahan bilang panauhing pandangal sa selebrasyon ng Higantes Festival dito sa Angono, Rizal, ang Art Capital of the Philippines. Mahalaga ang pagdiriwang na ito dahil ipinapakita nito na ang sining ay isang makapangyarihang symbolo na makatutulong sa pagkakaisa at pag-unlad ng ating mga kabataan. Nawa’y patuloy na maging inspirasyon ang Higantes Festival na buhayin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng sining,” pahayag ni Vice President Duterte.
Pinuri naman ni VP Sara ang bayan ng Angono sa pag portray sa pamamagitan ng Art ang Higantes Festival na isang “powerful tool” na makakatulong sa mga kabataan na ideveloped ang kanilang kakayahan lalo na sining.
Binigyang-diin ng Pangalawang Pangulo ang kahalagahan ng edukasyon para madevelop pa ang kakayahan ng mga kabataan at makaiwas ito sa mga bisyo gaya ng illegal drugs.