Humarap at nakipag pulong si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga supporter sa mainit nilang pagtanggap at pagsuporta sa kanya at sa kanyang pamilya ng magtungo ito sa Munich, Germany.
Nasa 22 Filipinos ang dumalo pulong na mula pa sa Switzerland, Austria at sa ibang bahagi ng Germany ay bahagi ng grupong Hakbang ng Maisug International Germany.
Pinasalamatan ni VP Sara ang mga ito dahil sa kanilang oras at panahon na ibinigay ng mga ito sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Sa nasabing pulong, binigyang-diin ni VP Sara sa mga dumalong Filipino na malaki ang utang na loob nila sa mga ito dahil sa suporta na kanilang ibinigay mula kay dating Pangulo Rodrigo Duterte at sa kaniya ngayon.
Nasa Munich ang Bise Presidente at kanyang pamilya para sa personal na bakasyon.
Batid din ni VP Sara na marami sa kanyang mga supporter ay gumagastos ng sarili nilang pera para makatulong sa kababayan naghihirap.
Ipinangako ni Duterte na patuloy silang magiging tapat para mapaglingkuran ang kababayan sa bansa at sa ibang lugar.
May ilang bumabatikos kay Duterte sa timing ng kanyang bakasyon dahil sa malawakang baha sa Metro Manila at karatig-lugar.
Ipinaliwanag naman ng Office of the Vice President na matagal nang nakaplano ang bakasyon at iginagalang ang kanyang privacy.